RSS

Bilanggo

29 Mar

This would be one of my favorite poems that I ever wrote. It was written during my college when I was still inspired by this genre of literature. It is a metaphoric piece expresses the emotional downheartedness and life’s ambiguities that I’ve gone through. Hope you like it.

 

BILANGGO

Iginiit ako ng dilim na mapagdusa,
Binaltak at subsuob sa isang lupang ‘di hawan,
Galos sa dibdib at ako’y inuupasala,
Sansang nabugbog sa gitna ng guntalan;

Ngunit ang kaluluwa ko’y malaon nang manhid,
Kaya’t sa aki’y matamis na pulot-pukyutan,
Ang bawat dugo na sa akin ay dumadaloy,
Ay unti-unting sa aking tiya’y pinaparam;

At ang dunong na matuwid ay biglang natulos,
Sa aking lalamunan na waring isang subyang,
Sa puso’y sisipak habang ‘di makahilagpos,
Kakambal ng damdami’y ‘di pinakikinggan;

Sapagka’t bilanggo sa pagitan ng mga sinag,
Dilim ang rehas na bakal na magkakadikit,
Idiin ma’ng pilit ang manipis nang katawan,
Sa munting mga guwang na lumalatang pilit;

Hanggang ang puso ko’y likyad nang tuluyan,
At sa linib nga ay lumuluhang nakatunghay,
At nakahimlay sa likmuan ni walang unan,
Sa dalaw ng liwanag, magdamag naghihintay.

 
Leave a comment

Posted by on March 29, 2014 in Literature

 

Tags: , , ,

Leave a comment