RSS

Tag Archives: Tula

Diyan Sa Puso Mo

Inukit ko sa bato ang pangalan mo
Gamit ang mapurol na kutsityo
Sinabay ko na pati pangalan ko
Pero… Aray! Nataga ako.

Isinulat ko sa tubig ang salitang “Mahal kita”
Gamit ang patpat na kung sa’n ko lang nakita
Nagtaka ako, wala paring guhit o ‘di kaya linya
Sa pangungulit, nahulog at ako’y nalunod na.

Iginuhit ko sa hangin ang larawan mo
Gamit ko ang aking hintuturong makalyo
Mata, ilong, bibig pati buhok mo iginuhit ko
At napagkamalan nga akong sira-ulo.

Sana – May mangyari naman sa ginagawa ko
Kahit ‘di ka kinakausap, dapat madama mo
Mahal kita at ‘di ‘yon magbabago
At ang pangalan ko’y maukit kahit d’yan man lang sa puso mo…

 
3 Comments

Posted by on March 23, 2014 in Literature

 

Tags: , , , ,